Sunday, October 21, 2012

Ang Tapat Na Di Dapat


Kailan mo ba ako hihiwalayan?
Matagal na din ako'y 'yong sinamahan.
'Wag nama'y "Sa Dulo ng Walang Hanggan"
Pagkat ito'y di na magandang samahan.

Sa isang kaibigan, ika'y nakilala.
Dulot mo'y saya, lungkot, minsa'y ginhawa
Sa bawat hinga'y pinaliligaya
Sa kwentuhan at kapehan, ika'y kasama

Sinamahan di lang sa trabahong pang-gabi
Maging sa araw, ika'y laging katabi
Kaya nuong Disyembre, tayo'y nahuli
Sa samahang di ko na ikukubli

Lubos kang tinaggap ng aking pamilya
Kahit na may babala sa 'king ina
Kapag ang isip daw ang isinara
Kalusugan daw iyong masisira

Halos kapiling ka na ng limang taon
Di iniwan kahit sang' pagkakataon
Sa saya, lungkot at ginhawa'y naroon
Sinamahan kahit saan pumaroon

Ngayo'y hindi na ko makahinga
Samahan natin dati'y ginhawa
Ngayo'y ika'y aking problema
Ubo ko'y punong puno na ng plema! 

(isinulat dahilan sa Laryngitis 03-19-11)

No comments:

Post a Comment